The Soda Pop

logo
¤back¤
¤your comment here¤=*write article title first then ur comment*thnx
788WANTED TRUE FRIEND part 1(ABROAD) by Markuz911


*Joel...Joel...May overseas call ka c Mel daw...Sigaw ng tita ko sa akin habang naglililinis ako ng kwarto namin ng pinsan ko. Halos madapa ako s pagtakbo ng tunguhin ko ang kinalalagyan ng telepono namin. Sabik akong makausap ko ang kababatat bestfriend ko na kalilipad pa lamang patungo sa bansang Amerika magdadalawang linggo pa lamang ang nakalilipas.



**Katatapos pa lang ng graduation namin s high school ng sumabay din na makumpleto ang mga papeles at dokumento ni Mel at kapatid nito patungong Amerika sang ayon s desisyon ng kanilang tatay na kunin na sila at duon manirahan. Ilang linggo pa lamang ang nakalilipas pagkatapos ng masaya naming pagtatapos s hayskul dali dali silang lumipad patungong Amerika.



***Tinupad naman ni Mel ang pangako na agad itong tatawag sa akin at masayang ibabalita ang unang linggong pamamalagi niya sa piling ng ama at kapatid nito. Subalit sandaling napalitan ito ng lungkot ng magsimulang bumuhos ang kanyang emosyon ng pagkalungkot dahil mahabang araw,panahon at taon ang bibilangin namin na hindi magkakasama sa kalokohan at hindi magkaramay sa tagumpay at pagkabigo.



****Masaya ako para sa kaibigan ko pero napaka lungkot din habang iniisip ko ang mga araw at taon na lilipas na hindi kami magkakasama sa lahat ng bagay na aming higit na pinagkakasunduan, pinagtatampuhan o pinag didiskusyunan.



*****Ikatlong buwan ng pag-alis ni Mel ang pag-alis naman ni Vincent na kababatat bestfriend namin ni Mel kinuha din siya ng kanyang tatay na nasa Dubai.Lalong nagpalungkot sa akin ang pag -alis ni Vincent kahit na alam kong marami akong makikilalang bagong kaibigan sa kolehiyo. Subalit wala akong magagawa kundi ang tanggapin ang mga pangyayaring di ko inaasahan.

Higit sa lahat ang kumbinsehin ang aking sarili na maging masaya na hindi kasama ang mga higit kong pinapahalagahan at pinagkakatiwalaan kong kaibigan dahil iyon ang kanilang kapalaran at ito ang aking kapalaran.


******Alam kong higit na mas marami silang magiging kaibigan sa lugar na pinuntahan ni Mel at Vincent subalit handa kaya ang mga itong kumatok sa kanilang mga pinto at bitiwan ang salitang nagmistulang pasaporte sa pakikipagkaibigan naming tatlo ang-"handa na akong maging matalik mong kaibigan."